Tips to Avoid Internet Scams
Paano makaiwas sa mga work at home internet scam?
Marami sa ngayon ang naglipana sa internet na mga nag ooffer ng iba't ibang work at home jobs, mga softwares na pag ininstall daw sa computer ay instant kikita na ng pera. Pero alam nyo ba na karamihan sa mga ito ay puro lang buladas at hangad lang ay ang pinakaiingatan nyong salapi? Iba't iba din ang halaga ng mga software o programs na ito na pwede mapasaiyo sa paggamit ng iyong credit card o debit card. Mula sa halagang $10 hanggang $50 ay maari mo nang i download ang mga ito sa iyong computer o laptop. Pero panu mo nga ba masisiguro na ang iyong pinapasok na transaksyon ay isa lamang pala sa maraming internet scam?
Mayroon isang site sa internet na maaari mong puntahan kung ikaw ay nagdududa sa website na gusto mong pasukan. Ito ay ang Internet Marketing Report Card. Ang site na ito ay gumagawa ng mga reviews sa halos lahat ng programa na may kinalaman sa internet marketing. Minamarkahan nila ng grado ang bawat programs na kanilang nire-review base sa kanilang pagsisiyasat at ayon din sa mga nakasubok o nakagamit ng gayung programs. Mula sa grado A hanggang F ang kanilang binibigay na marka. Kung ang isang program ay subok na at marami ang nagpapatunay na legitimo ito ay mamarkahan nila ng grade A na siyang pinakamataas. At kung ang isang program naman ay marami ang nakasubok subalit puro reklamo at batikos ang kanilang natatanggap, ito ay minamarkahan nila ng grade na F. Halos lahat ng mga internet marketing na makikita mo sa internet ay nakapaloob na dito at kung sakali naman na wala dito ang iyong hinahanap, pwede kang magsumite sa kanila ng pangalan ng website na iyong hinahanap at kanilang gagawan ng review.
Ang website na ito ay maaari mong ilagay sa iyong bookmarks page upang iyong madaling tandaan at balik-balikan sa sandaling may mag-aalok ng bagong programa na iyong matatanggap mula sa iyong mga emails. I-search mo lamang sa IM Reportcard ang pangalan ng programa o website at malalaman mo na kaagad kung dapat mo bang pag-aksayahan ng oras o hindi ang bagong alok na programa.
Kung talagang nais mong subukan ang internet marketing ngunit kulang ang iyong kaalaman at hindi alam kung paano magsisimula sa ganitong larangan ay mairerekomenda ko na iyong tingnan ang website ng Internet Income Academy. Dito mo makikita kung paano magsimula at ang mga susunod mong hakbang ay ituturo sa iyo nang buong-buo sa pamamagitan ng video trainings. Marami ding mga iba't ibang tools at resources ang site na ito na makadaragdag sa iyong kaalaman ukol sa internet marketing. Hala, anu pa inaantay mo, punta na sa website ng Internet Income Academy!


